ESTUDYANTE

Discussion in 'General Discussions' started by trismund, Apr 1, 2014.

Thread Status:
Not open for further replies.
  1. trismund

    trismund King in the East Staff Member Administrator CFPH VIP

    Reputations:
    2,453
    Joined:
    Oct 28, 2012
    Posts:
    2,863
    Likes Received:
    765
    Trophy Points:
    30
    Location:
    Locating...

    Ano-ano nga ba ang kalimitang ginagawa ng mga estudyante kapag nasa iskul na, sabi-sabi nila lahat daw ng estudyante ay nagawa na ang mga ito, narito ang ilan sa mga bagay-bagay na kalimitang eksena sa buhay estudyante:

    • Ginagawang Ruler ang ID.
    • Kinakagat ang dulo ng eraser sa lapis kapag hindi na ito makabura.
    • Hinahati-hati ang one whole paper sa lengthwise, crosswise at 1/4.
    • Nagdidikit ng bubble gum sa ilalim ng upuan.
    • Tumakas pag araw ng Cleaner.
    • Magsulat ng kodigo sa Upuan sa araw ng test.
    • Sumimoy sa klasrum ng crush.
    • Patayuin sa harapan pag walang assignment.
    • Nanghihiram ng bolpen sa klasmeyt.
    • Laging tumitingin sa orasan at hinihintay ang uwian.
    • Na sana wish bumagyo para walang pasok.
    • Maglaro ng SOS, XOX at Tic tac toe pag wala si titser.
    • Makipag-tsismisan sa katabi.
    • Bolahin ang titser.
    • Mailista sa Noisy o NIPS (not in proper seat).
    • Inaantok sa klase pag 1PM.
    • Ma-late at magdahilan ng di naman totoo.
    • Maagang pumasok para makangopya sa klasmeyt ng assignment.
    • I-drowing ang titser na masungit sa papel.
    • Humingi ng pulbos o cologne.
    • Magsulat sa buong manila paper kapag ikaw ay magre-report kahit nasa libro na ito.
    • Mainis sa kaklase.
    • Magbatuhan ng binuyuot na Papel.
    • Magpalibre sa oras ng break.
    • Gawan ng bagong pangalan o tukso ang kaklase o titser.
    • Tumawa kapag may nadapa.
    • Mag-1 2 3 sa Jeep.
    • Mag-cutting classes o di pasukan ang ayaw na subject.
    • Text-text habang nagtuturo si Titser.
    • Pa-kyut pag di alam ang sagot sa recitation.
    • Maging utusan sa pagse-xerox ng buong klase.
    • Pumasok lang ng half-day dahil masakit ang ulo.
    • Nagtae ang Panda bolpen.
    • Gumawa ng friendship bracelet.
    • Ma-stranded pag naulan dahil walang payong.
    • Bumili ng kisses at padamihim sa panganganak.
    • Humingi nga baon kahit walang pasok.
    • Nahihiyang magpakilala sa harap sa unang araw ng klase.

    :)
     
  2. Ohayo

    Ohayo King in the West Staff Member Super Moderator CFPH VIP

    Reputations:
    203
    Joined:
    Dec 9, 2013
    Posts:
    1,095
    Likes Received:
    44
    Trophy Points:
    10

    relate much :D .. post ko nga ito XD
     

Users Who Are Viewing This Thread (Users: 0, Guests: 1)

Tags:
Thread Status:
Not open for further replies.

Share This Page

Top
Pinoy Hideout